Seryosong Usapan
01: Ano ang problema mo?
Napaso ang dila ko ng Ramen. Masakit.
02: Bakit sadyang may mga taong tanga?
Para
minsan nama’y masabi nating matalino tayo.
03: Ano ang masasabi mo sa mga taong mahilig manloko?
Paturo naman. Paano ba yan?
04: Sa paanong paraan magiging masaya ang isang tulad mo?
Dalin mo ko sa beach o kaya sa Batanes. At lahat ng gastos ay sayo.
05: Kung luluha ka uli, ano o sino ang magiging dahilan nito?
Yung mga tipaklong. Pag dumami talaga peklat ko at di niyo ko tinantanan…*sniff*.
06: Sino ang taong nagpapasaya sayo ngayon?
Ang Goodies. Specifically, si Caloy, si Belai, si Tetel, si Han (na asawa si Mr. M), si Byron (akalain mo yun,ulo), at si kuya.
07: Bakit hindi sagot ang pagpapakamatay sa mga problemang dumarating sa ating buhay?
Pano ba magsolve ng problema habang nakabitin sa ceiling?
08: Kaya mo bang magpakamatay para sa pagibig?
Hindi ata. Kawawa naman suitors ko if ever.
09: Ano ang mga pangarap mo sa buhay?
Makapunta ng Maynila.
10: Kung may tao kang gustong patayin, sino ito?
Si Phoem Barranda at kung sino mang GF ni Polo Ravales.
11: Bakit naman?
Akitin ba daw ang akin.
12: Matapang ka ba?
Pag bagong gising.
13: Ano ang pinakamalaking kasalanang nagawa mo sa taon na ito?
Ang mga anghel ay di nagkakasala.
14: Madali ka bang magsawa?
Sa totoo lang, oo. Pero never sa galunggong at torta.
15: Ano ang masasabi mo sa mga taong martyr?
Tigilan niyo nga ako. Ang Emo niyo e.
16: Seryoso ka bang tao?
Depende sa kinain at tinulog.
17: ‘Pag namatay ka ngayong oras na ito, marami kayang tao ang iiyak?
Malamang. Lalo na siguro yung Fans Club ko.
18: Masakit ka bang magsalita pag galit ka?
Oo, nauutal-utal pa pag nagtatagalog ako.
19: Pikon ka ba?
Ang alam ko mas pikon tatay ko.
20: Huling bilin?
Magbigay kayo lagi ng donasyon para sa taong gutom pa rin. Ako yon.
SArap magpaka-seryoso, brad.
August 25th, 2007 at 1:38 am
seryosong usapan pala brad ah!
August 25th, 2007 at 5:19 am
syempre naman..nosebleed ako dito!
August 26th, 2007 at 1:18 am
hahaha..
seryoso nga ah..
August 30th, 2007 at 3:42 am
haha.. wala lang.