“Oo na, mahal na kita.”
Alam kong ika’y tinatago ng Panginoon sa akin. Iniisip ko ngayon, kung paano at saan kita matatagpuan. Ilang pangako pa ba mula sa iba ang aking dapat asahan bago ko marinig ang mas kapani-paniwalang pangako mo? Marami na akong napagdaanan, at gusto ko ng makarating dyan sa pinaroroonan mo. Pero sabi ni Lord, hinay-hinay lang daw. Sa oras Niya, masisilayan din kita. Andyan ka lang naman diba? Hintayin mo ko ha. Hintayin din kita. Pero kung sakaling naiisip mo ako at kung iniisip din ba kita, tingin ka lang sa mga ring finger mo. Isipin mong in time, anumang daan ang pilit nating pinapasok, magtatapos pa rin ang storya natin na tayong dalawa ang magkasama.
*Ito pong sulat na ito ay para sa taong itinakda sa akin ng Tatay kong nasa Langit. Sana lang kahit di niya pa ako kilala, (at siya din, di ko pa kilala) ay mabasa niya ito.*
P.S.
Lord, itago Niyo lang ho siya ha. Baka makita pa ng iba e.hehe